Misa para sa kapayapaan sa Marawi, isinagawa sa Camp Crame

Manila, Philippines – Nagsagawa ng misa para sa kapayapaan sa Camp Crame kanina.

Ang pag-aalay ng misa ay ginawa sa St. Joseph Chapel sa Camp Crame, Quezon City na tinawag na habit prayer for peace.

Sa memorandum na pinirmahan ni Police Deputy Director General Archie Francisco Gamboa ng Office of the Directorial Staff, nakasaad na mismong si PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang bumuo ng memorandum para sa misa para sa kapayapaan sa Marawi, araw-araw.


Tuwing alas 12 ng tanghali ang misa at panalangin na magtatagal hanggang sa matapos ang krisis sa Marawi.

Maliban sa Camp Crame, may sabayang misa rin gagawin tuwing alas 12 ng tanghali sa lahat ng kampo at himpilan ng PNP batay na rin sa utos ni PNP Chief Dela Rosa.

Facebook Comments