Sasaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdedeklara sa Misamis Occidental bilang insurgency-free province sa Tangub City ngayong araw.
Matatandaang ang Misamis Occidental ay ilang taon ding naging ‘hotbed’ ng communist insurgency.
Isa sa mga tinututukan ng administrasyong Marcos ang kapayapaan para sa progreso ng buong bansa at sa itinataguyod nitong Bagong Pilipinas.
Kaya naman ngayong magiging insurgency-free na ang lalawigan, inaasahang mas marami pang investors ang mahihikayat na mamuhunan sa nasabing lugar.
Samantala, inaasahang dadalo rin sa aktibidad sina Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro Jr., Presidential Communications Office (PCO) Acting Sec. Cesar Chavez, Gov. Henry Oaminal, City Mayor Sabiniano Canama, at iba pang mga opisyal ng gobyerno.