Misamis Oriental, handang magpatupad ng lock down kung kinakailangan

Misamis Oriental – Handang magpatupad ng lock down ang Misamis Oriental kung sakaling kinakailangan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang kanilang tulong.

Ayon kay Misamis Oriental Governor Bambi Emano, sa ngayon hindi maipagkakaila na may mga miyembro ng Maute na nakapasok na sa probinsya at sumasama sa mga nagsilikas galing Marawi City.

Dagdag pa ng gobernador, kahit na hindi ito sang-ayon sa mungkahi ng mga miyembro ng Provincial Peace and Order Council na kumuha ng tao sa bawat munisipyo upang tumulong sa otoridad, siniguro naman nitong magsagawa ng Counter-terrorism drill.


Facebook Comments