Miscellaneous fees, gagamitin para sa flexible learning ayon sa CHED

Tiniyak ng Commission on Higher Education (CHED) na ang miscellaneous fees na kokolektahin ng private higher education institutions ay gagamitin para sa flexible learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, maraming estudyante at mga magulang ang nagtataka kung bakit may ilang fees pa rin ang kailangang bayaran kahit flexible learning na ang ipapatupad.

Ang problema aniya ay hindi ang application para sa tuition hike, kundi ang kasalukuyang tuition at miscellaneous fees.


Hiniling ng mga pribadong unibersidad na payagan silang i-reclassify ang kasalukuyang miscellaneous fees nila at magamit ito sa bagong paraan ng pagtuturo.

Nabatid na nasa 400 unibersidad ang nag-apply sa CHED para sa tuition hike bago ang pandemya pero 89 lang dito ang itinuloy ang kanilang application.

Facebook Comments