Baguio, Philippines – Sa isang ipinasang resolusyon ni Baguio City Councilor at Sanguniang Kabataan Federation President, Levy Lloyd Orcales, para tutukan at pag-aralan ng Commission on Higher Education (CHED) at Higher Education Institutions (HEI), ang mga school fees sa mga estudyanteng sasailalim sa online classes.
Ayon sa konsehal, ang pagsingil ng miscellaneous fees tulad ng athletics, audio-visual, cultural, dental, medical, library, laboratory, at internet ay dapat pag-aralan ng mabuti ng HE dahil hindi ito magagamit ng mga estudyanteng sasailalim sa online classes at hindi posibleng makalabas ang mga estudyante para magamit ang kanilang miscellaneous.
Maari din itong maging dagdag problema ng mga magulang na ginagapang ang pangmatrikula ng kanilang mga anak sa panahon ng pandemya, dagdag ng konsehal.
Ang resolusyon ay aprubado na at pinag-aaralan na ito ng CHED para sa kanilang konsultasyon.