Samar – Patay ang 6 na pulis habang 9 ang sugatan matapos ang naganap na mis-encounter sa pagitan ng mga pulis at militar sa Sitio Lunoy, Barangay San Roque, Sta. Rita, Samar.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame alas-9:20 nagsasagawa ng patrol operation ang 1stPlatoon, 805th Company sa pamumuno Police Chief Inspector Don Arhie Suspeñe na patungo sana sa Sitio Canunay, Brgy. Rosal Sta Rita Samar.
Habang nasa daan ay pinagbabaril sila ng mga armadong grupo kaya gumanti rin sila ng putok.
Nagtagal ng dalawangpung minuto ang sagupaan bago natukoy ng dalawang panig na mga miyembro pala ng Charlie Company, 87th IB, Philippine Army , sa pamumuno ni 1Lt Orlando Casipit Jr na binubuo ng 16 na enlisted personnel ang unang nagpaputok sa mga pulis na nagpapatrolya.
Kinilala ang mga nasawi na sina PO1 Wyndell Noromor, PO1 Edwin Ebrado, PO1 Phil Rey Mendigo, PO1 Julius Suarez, PO1 Rowell Reyes at PO1 Julie Escalo.
Habang ang mga sugatan ay sina PO1 Cris Angelo Pialogo, PO1 Romulo Cordero,PO1 Joenel Gonzaga, PO1 Rey Barbosa, PO1 Roden Goden, PO1 Jaime Galoy, PO1 Romel Bagunas,PO1 Janmark Adones at PO1 Elmer Pan.
Sa ngayon, bumuo na ng Special Task Force ang PNP para tutukan ang imbestigasyon sa nangyaring misencounter.