Manila, Philippines – Magsasagawa ng joint inquiry ang Department of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG) ukol sa nangyaring misencounter sa pagitan ng mga pulis at sundalo sa samar.
Ayon kay DILG OIC Eduardo Año, bubuo ng board of inquiry para malaman ang sanhi ng hindi inaasahang pangyayari at makagawa ng hakbang para hindi na ito maulit.
Ipapatawag din ng board ang mga kaukulang opisyal para matukoy kung nagkulang sa communication at coordination sa pagitan ng local military at police forces na kapwa nagsasagawa ng combat operations sa lugar.
Nagpaabot na ng pakikiramay si Año sa pamilya ng anim na napaslang na pulis at tiniyak ang agarang paglalabas ng financial assistance sa ilalim ng comprehensive social benefits program.