MISENCOUNTER | Imbestigasyon sa Samar misencounter inaasahang matatapos na

Manila, Philippines – Matatapos sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa Sta. Rita Samar misencounter.

Ito ang inaasahan ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde makaraang makabalik mula sa Police Regional Office 8 kung saang kasama niya si AFP Chief of staff General Carlito Galvez na tumanggap ng report mula sa mga pulis at military officials kaugnay sa insidente.

Ayon kay Albayalde, naiwan pa sa Samar ang mga miyembro ng Board of Inquiry mula sa national headquarters na binuo ng PNP para magsagawa ng sariling imbestigasyon na hiwalay sa joint PNP-AFP Special Investigation Task Group.


Sentro aniya sa imbestigayson ang “level of coordination” o kung hanggang saan nakarating ang coordination, na nagresulta sa misencounter sa pagitan ng Philippine Army at PNP na ikinasawi ng anim na pulis at ikinasugat ng syam na iba pa.

Ayon kay Albayalde, ayaw niyang pangunahan ang resulta ng imbestigasyon ngunit kung lumabas na nagkaroon ng pagkukulang sa parte ng mga commanders in the ground, papanagutin at kakasuhan ang mga ito.

Facebook Comments