MISENCOUNTER | Philippine Army, naglabas ng letter of apology sa pamilya ng 6 na pulis na nasawi sa misencounter sa Samar

Manila, Philippines – Naglabas ng letter of apology ang Philippine Army 8th Infantry Division sa pamilya ng anim na pulis na nasawi sa misencounter sa Sta. Rita, Samar.

Sa liham, sinabi ni 8th ID Commander Major General Raul Farnacio na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon ng Board of Inquiry na binubuo ng mga personnel mula Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Army headquarters at 8th ID.

Tiniyak rin ni Farnacio na pabibilisin ang isinasagawang imbestigasyon para lumabas ang katotohanan at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anim na pulis.


Una nang iginiit ng mga pamilya ng mga nasawing pulis na ambush ang naganap sa pagitan ng militar at mga pulis.

Facebook Comments