Misis at Kalaguyo, Huli sa Akto ni Mister na Nagtatalik

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang isang babae matapos maaktuhan ng mismong mister na nakikipagtalik sa kalaguyo nito sa isang boarding house sa Purok 2, Brgy Marabulig Uno, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang suspek na asawa ng biktima na si Trisha Mae Arieta, 20 taong gulang, habang ang kalaguyo nito ay nakilalang si Felix Reyes III, 26 na taong gulang, na kapwa residente sa nabanggit na barangay.

Pasado alas 12:00 kaninang madaling araw, August 11, 2021 nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima na si John Paul Arieta, 28 taong gulang, residente ng Bannawag Norte, Santiago City, upang idulog ang kanyang misis na umano’y may iba itong kinakasamang lalaki.


Agad na tumugon ang kapulisan kasama ang biktima at nagtungo sa inuupahang bahay ng kalaguyo ng misis upang beripikahin ang sumbong ng biktima.

Nang makarating sa lugar ang mga pulis at mister ng suspek, nagtungo ang biktima sa likod ng boarding house at dito na naaktuhan ang kanyang asawa na nakapatong sa kalaguyo nito at kasalukuyang nagtatalik.

Dito na inaresto ang dalawang magkalaguyo at dinala sa himpilan ng pulisya.

Pansamantalang nakakulong sa lock up cell ang magkalaguyo at sila’y nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ngayong araw.

Facebook Comments