Misis at Kalaguyo nito suspek sa pagpatay sa isang 21 anyos na Mister, Alyas Pogi, pinaghahanap na ng mga Pulis!

248

Tukoy na at asampahan na ng kaso ngunit pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang pangunahing suspek o responsable sa pagpatay sa isang 21 anyos na lalaki mula Guindulunganna natagpuan sa bahagi ng Baranggay Ambolodto Datu Odin Sinsuat .
Sa naging panayam ng DXMY kay Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station Deputy for Administration PLt. Guisette Tamayo, nakonsensya umano ang misis ng biktimang si Jameer Panday Ikay kung kayat sumuko ito sa kapulisan at itinuro ang kasabwat nito sa krimen. Sa pahayag ng misis, nagsimula ang lahat ng may nakilala itong lalaki sa facebook na kinalaunan ay naging karelasyon rin nito.
Kinilala ng PNP base sa pahayag ng misis ang suspek na si Pogi Ali o mas kilala sa Alyas Pogi at Alyas Pogs.
Aminado ang misis ng biktima na pinlano nila ng suspek ang pagpatay sa kanyang mister.
Umaga ng August 14, 2020 na magtungo sa bahagi ng Baranggay Ambolodto ang biktima at ang misis nito para sa dumalo sa isang kanduli, mismong ang suspek na si Datu Pogs pa ang sumundo sa mga ito sa national highway gamit ang isang motorsiklo, at habang tinatahak ang liblib na bahagi ng barangay, lumubog sa putik ang gulong ng motorsiklo kung kayat napilitang bumaba ang biktimang si Jameer para itulak ang motor, at sa walang sabi-sabi pinagbabaril ng suspek sa ulo ang biktima .
Iniwang wala ng buhay sa maisang bahagi ng Baranggay ang katawan ng biktima habang agad ring tumakas ang mga salarin.
Sa ngayon, nasa custody na ng PNP ang misis ng biktima habang patuloy ang hotpursuit sa suspek na si Datu Pogs.
Sinasabing inulila ni Jameer ang 2 nitong anak.(DENNIS ARCON)
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments