Misis, binugbog ng asawa sa harap ng mga anak dahil sa damit na suot sa simbahan

6572

Muntik nang mapatay sa bugbog ng sariling asawa ang isang ginang sa Tennessee, US, matapos ang pagtatalo tungkol sa damit na sinuot niya sa simbahan.

Sinuntok umano ni Percy Thompson, 34, ang misis hanggang mawalan ng malay sa harap ng kanilang mga anak noong Linggo, Pebrero 16, iniulat ng WZTV.


Rumesponde ang awtoridad matapos tumawag ang mga residenteng saksi sa insidente.

Nadatnan ng pulisya ang ginang sa loob ng kotse na duguan ang buong itaas na bahagi ng katawan, habang binabantayan ng kanyang nanay.

Salaysay ng nanay ng biktima, nagsisisigaw at nagmumura si Thompson sa lahat dahil sa isyu ng damit.

Pagkabalik sa bahay, tinulak umano ng mister sa hagdanan ang ginang, saka paulit-ulit na sinapak sa mukha sa harap ng mga bata.

Nahuli ng pulisya si Thompson sa isang apartment, ilang milya ang layo mula sa lugar ng insidente.

Ayon sa ulat, bukod sa mahabang criminal record, kinasuhan na rin noong Disyembre ng domestic violence ang lalaki matapos bugbugin ang asawa, ngunit iniurong din ang reklamo.

Nahaharap siya ngayon sa kasong may kinalaman sa homicide, at dalawa pang reklamo na nagpiit sa kanya sa kulungan.

Facebook Comments