Misis, binuhusan ng kumukulong mantika ni mister habang natutulog

2830

MOROCCO, Africa – Nasa kritikal na kundisyon ang isang babae matapos umano itong buhusan ng kumukulong mantika ng kanyang asawa habang siya ay natutulog noong Disyembre.

Isinugod ang biktima sa Muhammad Khamis hospital para maagapan ang mga nalapnos at bumukang balat dahil sa pagkakasunog.

Ayon sa ulat, hindi na makilala ang biktima dahil sa tinamo nitong matinding lapnos sa mukha, dibdib at ibang bahagi ng katawan.


Hirap na rin magsalita at hindi na rin umano ito makakita matapos ang insidente.

Humingi naman ng tulong ang mga kaibigan ng biktima na sina Anisa Rasul at Tahir Anwar para makalikom ng halaga sa kanyang pagpapagamot.

Sa kabilang banda, ang suspek na asawa ng biktima ay inaresto dahil sa ginawang krimen at ngayo’y nasa kustodiya na ng mga pulis.



Samantala, ayon sa pag-aaral ng UN national studies, na umaabot sa 70 porsyento ng kababaihan ang nakakaranas ng sexual violence mula sa kanilang mga kinakasama.

Tinatayang nasa 87,000 babae naman ang napatay na noong 2017 ng kanilang mismong nobyo, asawa at miyembro ng pamilya sa Morocco.

Facebook Comments