Misis, Huli sa Pagbebenta ng Dried Marijuana

87

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang ginang sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba pasado 12:00 kaninang tanghali sa Brgy. Divisoria, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Irene Ramero, 33-anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng otoridad, positibong napagbentahan suspek ng hinihinalang marijuana ang isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 na umaktong poseur buyer.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) tubular na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa isang plastic at selyado ng packing tape na tinatayang nagkakahalaga ng P6,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001.

Facebook Comments