Misis, inaresto matapos utusan ang bodybuilder na mister sa gawaing-bahay

397

Namalagi nang 17 oras sa kulungan at humarap pa sa korte ang isang babae sa England matapos pakiusapan ang asawa na tumulong sa mga gawaing-bahay.

Inakusahan si Valerie Sanders ng “controlling behavior”, kasalanan sa nasabing bansa, nang ireklamo siya sa pulis ng asawang si Michael, 58, dahil sa mga iniwan niyang post-it notes na may paalala sa mister na maglinis ng bahay.


Ngunit ibinasura ang kaso bago pa man ang nakatakdang pagdinig noon sanang Hunyo 25, matapos umatras ang isang key witness.

Ayon sa ulat, nagsimula ang kaso noon pang April 2018 nang may nag-ispeksyong ahensya sa lugar na pinagtatrabahuan ni Michael.

Napansin umano ng staff ng ahensya na hindi magandang pagbabago sa mood ng mister at nang tanungin, idinahilan daw nito ang buhay kasama ang asawa.

“It’s outrageous this ever got to court,” ani ng misis.



Nasa proseso na ng diborsyo ang dalawa na ikinasal noong 2014, dalawang taon matapos magkakilala online.

Ani Valerie, sapat na ang 17 oras sa kulungan para mawala ang pag-ibig niya sa asawa.


Facebook Comments