Misis na Nag-post ng Katuwaan Kaugnay sa COVID-19, Inaresto!

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga alagad ng batas ang isang Ginang matapos na mag-post sa social media ng hindi kumpirmadong impormasyon kaugnay sa Coronavirus Disease (COVID-19) na dahilan ng pagpapanic ng mga residente sa bayan ng Allacapan, Cagayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCPL Ariel Beltran, imbestigador ng PNP Allacapan, mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Act of 2012 ang suspek na kinilalang si Carlie Tabaldo, 34 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Centro West ng naturang bayan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagpost ang suspek sa kanyang social media account na “APO KAASYAN NA KAMI, COVID-19 POSSITIVE METTEN TI ALLACAPANEN” na taliwas sa impormasyon na COVID-19 free ang bayan ng Allacapan.


Maraming mamamayan ang naalarma at nagpanic sa post nito online na nagresulta sa kanyang pagkakahuli.

Ayon kay PCPL Beltran, katuwaan lamang umano ng suspek ang ginawang pag-post ng ‘fakenews’.

Facebook Comments