Misis na nangaliwa at suspek sa pagpatay sa kanyang mister sumuko na pero kalaguyo nito patuloy na pinaghahanap!

208

Himas rehas na ang Misis ng pinaslang na si Jameer Ikay. Itoy matapos isuko ang sarili sa mga elemento ng Datu Odin Sinsuat Police .

Nagsisisi rin aniya ito sa kanyang ginawa kasabay ng pagmamakaawa sa pamilya ng biktima sa EXCLUSIVE interview ng DXMY.


Hindi rin aniya lubos maiisip na humantong sa madugong panyayari ang kanyang pangangaliwa.

Sinasabing nakilala lamang nito ang suspek na si Pogi Ali o alyas Pogi noong nakaraang buwan ngunit mabilis na nahulog ang loob nito. Nagawa rin nitong makipagkita sa suspek ng ilang beses.

Aminado rin ito na napagplanohan nilang magsama na ni Alyas Pogi kung kayat noong umaga ng Augsut 14 ay niyaya nito ang kanyang mister na magtungo sa Brgy. Amoblodto sa Datu Odin Sinsuat, mismong si Alyas Pogi pa aniya ang sumundo sa kanila sa highway gamit ang motorsiklo, ngunit habang nasa liblib na bahagi ng Baranggay ay bigla silang pumara at di nya akalain na bigla na lamang binaril ni Pogi ang mister nito sa ulo.

Sa sobrang takot agad itong nagpahatid kay Pogi sa highway at dirediretsong umuwi sa kanyang bahay sa Tambunan at inakap ang 2 anak. At dahil sa konsensya sumuko ito sa mga Pulis noong nakaraang araw.




Mariin namang itinanggi nito na pinahirapan pa si Jameer bago pinatay. Itinanggi rin nito ang kumakalat na impormasyon na nakipagtalik pa ang mga ito sa harap mismo ng biktima.
Kaugnay nito umaasa ang biktima na mapapatawad sya ng kanyang mister at ng pamilya nito.
Patuloy namang pinaghahanap si Pogi.(DENNIS ARCON)

LOOK: Ang nasa larawan ay ang Misis ni Jameer at nakakulong ngayon sa LOCK UP CELL ng DOS MPS habang ung lalaki na nasa Motorsiklo ay si ALYAS POGI base sa description ng Misis ng biktima
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments