Misis, naglaslas nang malamang kumabit sa lalaki ang mister

5427
Stock photo

Nauwi sa paglalaslas ng pulso ang labis na sama ng loob ng isang misis nang matuklasan na may kalaguyong kapwa lalaki ang kanyang mister, noong Martes sa Roxas City, Capiz.

Nakaratay sa ospital ang biktimang itinago sa pangalang “Jane”, 26, dahil sa tinamong malalim na sugat sa magkabilang pulso.


Batay sa Capiz Emergency Response Team (CERT), nakatanggap sila ng ulat sa tangkang pagpapakamatay ng biktima gitna ng Roxas City Public Plaza.

Nadatnan na lang ng awtoridad si Jane na lasing at duguan kaya agad ding isinugod sa ospital.

Ayon sa biktima, matagal na siyang duda sa kasarian ng asawa na itinago sa pangalang “Brando”, ngunit nangingibabaw pa rin daw ang pagmamahal niya rito.

Hanggang sa kamakailan umano nang may makapagsabi sa kanya na nakita ang mister na may kalandiang lalaki kaya nagdesisyon siyang alamin kung totoo.

Nadiskubre ni Jane na may inuupahan pa lang kuwarto sa likod ng city hall ang mister kasama ang kabit na lalaki.




Nang komprontahin, umamin ang mister na mas mahal niya ang kanyang kabit kaysa sa misis, dahilan ng tangkang pagpapakamatay ni Jane gamit ang basag na bote.


Sa mga nakararanas ng depresyon o anumang isyung emosyonal at sikolohikal, huwag mag-alinlangang tumawag sa mga sumusunod na Hopeline hotlines:

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

Facebook Comments