Misis nasugatan nang ang bala aksidenteng pumutok matapos mainitan sa isang kalan sa Brgy. San Juan, Surigao City

Misis nasugatan nang ang bala aksidenteng pumutok matapos mainitan sa isang kalan sa Brgy. San Juan, Surigao City. Kinilala ang biktima na si Analyn Arendain Sajulga, 25 taong gulang. Ito’y nakatamo ng daplis ng bala sa kaliwang braso nito. Sa salaysay ng misis, habang magluluto na sana siya sa kalan, biglang may pumutok at nakita na lamang niya ang umaagos na dugo sa kanyang kaliwang braso. Dinala kaagad si Sajulga sa Caraga Regional Hospital para magamot. Nakuha sa pinangyarihan ang slug ng pinaniniwalaang 9MM. Tinukoy ng mga otoridad na posibleng malapit sa pinaglutuang kalan ang bala at noong mainitan, biglang pumutok.

Facebook Comments