Misis, Natanggalan ng Ngipin Matapos Maaksidente sa Ramon, Isabela!

1393

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan sa Lungsod ng Santiago ang mag-asawa matapos maaksidente kaninang umaga sa pambansang lansangan sa bgry. Raniag, Ramon, Isabela.

Sa personal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, kinilala ang biktimang mag-asawa na sina Mark Anthony at Virginia Espiritu na taga Cordon, Isabela.


Ayon sa inisyal na ulat, nang mag-overtake ang motorsiklo ay bigla itong sumalpok sa sinusundang traysikel na dahilan ng kanilang pagsemplang sa lansangan.

Nagtamo ng galos sa katawan ang drayber ng motorsiklo habang natanggalan naman ng ngipin ang misis nito.

Maswerte namang hindi nasugatan ang drayber at pasahero ng traysikel.

Facebook Comments