MANILA, Philippines — Tinutugis ng awtoridad ang biyuda ng isang retiradong pulis na maanomalya umanong kumubra ng mahigit P530,000 sa pension.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa nitong Sabado, sinampahan ng kasong kriminal ang kinilalang si Lucila de Mesa noong Hulyo 2.
Sinabi ni Gamboa na hindi iniulat ni De Mesa sa PNP Retirement and Benefit Administration Service (PRBS) na pumanaw na ang asawa nito noong Pebrero 2019.
“The monthly pension was supposed to stop in March 2019,” anang opisyal.
Mula sa buwan na dapat tumigil ang pension hanggang Mayo ngayong taon, nakakubra ang biyuda ng P535,355.93, base sa PNP Finance Service.
Iminungkahi naman ni Gamboa ang mas mahigpit na parusa sa mga pekeng pension claimant.
Facebook Comments