Misis ni Atty. Harry Roque, pinatawan ng contempt at pinapa-aresto ng Quad Committee

Pinatawan ng contempt at pinapa-aresto ng House Quad Committee ang asawa ni dating Presidential Spokeseperson Atty. Harry Roque na si Mylah Roque.

Ang pag-contempt at pagpapa-aresto kay misis Roque ay isinulong ni Rep. Stephen Paduano sa ikawalong pagdinig ngayon ng Quad Committee.

Ito ay dahil sa ilang beses na hindi pagdalo ni misis Roque sa Quad Committee hearing kaugnay sa ilegal na operasyon, mga krimen at iba pang ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.


Inimbitahan ng Kamara si ginang Roque para magpaliwanag sa kanya umanong papel sa lease agreement sa Chinese nationals na sangkot sa POGO sa Bamban, Tarlac.

Facebook Comments