Misis ni Gov. Degamo, pinatanggal sa Kamara si Congressman Arnulfo Teves

Sa pamamagitan ng isang sulat ay hiniling ng misis ng pinaslang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo na patalsikin sa Mababang Kapulungan si Negros Oriental 3rd district Representative Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, pinag-aaralan na ng legal department ng Kamara ang kanilang magiging aksyon kaugnay sa sulat ni Pamplona Mayor Janice Degamo.

Binanggit ni Velasco na sa sulat ni Mrs. Degamo ay iniuugnay si Teves sa mga nangyayari ngayon sa Negros Oriental.


Paliwanag ni Velasco ang expulsion sa sinumang miyembro ng Kamara ay may proseso kaya ipapasa rin nila sa Committee on Ethics ang Privileges ang hiling ni Mrs Degamo.

Facebook Comments