Misis ni House Speaker Alvarez, nasaktan sa pagsusulong nito ng Dissolution of Marriage

Manila, Philippines – Masakit para sa asawa ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang isinusulong nitong Dissolution of Marriage o pagpapawalang bisa ng kasal.

Ayon kay Emelita Alvarez, tinalikuran ng House Speaker ang kanilang tatlong dekadang relasyon noong nakaraang taon para lamang isa ibang babae.

Ayon sa ginang, matagal na niyang alam na may ibang karelasyon ang kanyang mister pero hindi niya ito sineryoso.


May mensahe rin ang ginang sa kinakasama ni House Speaker Alvarez.

Sa kabila nito, bukas pa rin si Emelita na makipagbalikan sa mister.

Pero kung kailangang isakripisyo ang kanilang kasal para i-urong ni Alvarez ang panukala ay gagawi nito ng ginang.

Facebook Comments