Misis, Patay nang Pagtatagain ng kanyang Mister

37

Cauayan City, Isabela-Kalunos-lunos ang sinapit ng isang misis matapos pagtatagain ng kanyang sariling asawa kahapon sa Sitio Awitan, Barangay Biruk, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang suspek na si Abance Cadpino, 49 anyos, isang magsasaka habang ang biktima ay nakilalang si Lucia Cadpino, 49 anyos kapwa residente ng naturang bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad, selos umano ang nag-udyok sa suspek para gawin ang karumal-dumal na pagpatay sa kanyang maybahay.

Bago ito, nagkaroon pa ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa na nauwi sa pananaga ng suspek.
Narekober sa crime scene ang itak na ginamit sa pagpatay sa biktima.
Nahaharap sa kasong Parricide ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng PNP Dupax del Sur para sa kaukulang imbestigasyon.


Facebook Comments