Misis, paulit-ulit kinuryente ang mister na gusto nang makipaghiwalay

576

Arestado ang isang 68-anyos na babae matapos na ilang beses kuryentehin ng Taser ang asawang gusto nang makipaghiwalay noong Pebrero 2.

Inilabas ng kinilalang si Pamela Carr ang stun gun sa kalagitnaan ng pakikipagtalo sa 73-anyos na mister sa kanilang bahay sa Florida, USA.


Umamin naman ang misis na makailang ulit kinuryente ang asawa, ngunit sinabing ginawa niya ito bilang “self-defense”, ayon sa arrest affidavit na nakuha ng The Smoking Gun.

Dinakip si Carr sa kasong aggravated domestic battery pero nakalaya rin sa parehong araw matapos magpiyansa ng $1,000 (P50,000).

Pinagbawalan din ang ginang na muling makalapit o makausap ang asawa, pati na rin pagmamay-ari ng armas.

Pinahintulutan naman siyang bumalik sa bahay nang isang beses upang kunin ang kanyang mga gamit nang may escort na opisyal.

Facebook Comments