Misis, Pinatay ng Sariling Mister!

929

*City of Ilagan, Isabela- *Agad na binawian ng buhay ang isang Ginang matapos pagsasaksakin ng sariling asawa pasado alas kwatro ng hapon, May 16, 2019 sa Brgy. Villa Imelda, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Melowin Baraquio, 26 anyos habang ang suspek na asawa nito ay si Roberto Baraquio, 34 anyos, kapwa residente ng Brgy. Villa Imelda, City of Ilagan, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 RMN Cauayan, nagkaroon ng matinding alitan ang mag-asawa dahil sa hinihinalang textmate ng biktima hanggang sa nakapagbitaw ng hindi magandang salita sa biyenan ang biktima.

Dito na kumuha ng kutsilyo ang mister at isinaksak ng limang beses sa iba’t-ibang parte ng katawan sa kanyang misis.

Sa pagresponde ng mga Brgy Officials sa lugar ay hindi na naabutang buhay ang biktima.

Kusa namang sumuko sa mga Tanod ang suspek at ipinasakamay sa Ilagan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments