Misis sa North Carolina, pinutulan ng ari ang mister

776

Inaresto ang isang babae sa North Carolina nitong Martes matapos igapos at putulan ng ari ang kanyang asawa.

Rumesponde ang awtoridad ng Carteret County sa bahay nina Victoria Thomas Frabutt at James Frabutt sa Newport bandang alas-4.


Ito’y matapos ireklamo ng lalaki ang misis niya na itinali umano siya at saka pinutulan ng ari gamit ang kutsilyo.

Narekober pa ng awtoridad ang ari ng mister, inilagay ito sa yelo at saka ibinigay sa medical personnel.

Dinala na sa ospital si James ngunit hindi pa ipinagbibigay-alam ang lagay nito.

Hindi rin malinaw ang motibo ng misis sa insidente.

Nahaharap ngayon ang 56-anyos na suspek sa kasong malicious castration at kidnapping.

Facebook Comments

From Advertisers