Misis sinaksak ng sariling asawa dahil sa selos sa Pangasinan

184

Pinagsasaksak ng isang lalaki ang kaniyang asawa gamit ang kitchen knife sa Brgy. Tagudin Mabini Pangasinan.
Sa ulat ng PNP Mabini, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawang si Maria Salvador at Daniel Salvador sa kanilang tahanan.
Hanggang sa umabot na sa pananaksak sa leeg at ibat-ibang parte ng katawan ng biktima.
Nakatakbo pa ang biktima palabas ng kanilang bahay ngunit nahabol ito ng suspek.
Nang rumisponde ang otoridad ginawa nitong panangga ang kaniyang asawa ngunit agad na naktakbo papalayo sa suspek.
Naaresto naman ito ng otoridad matapos ang operasyon.
Sa panayam ng iFM Dagupan sa PNP Mabini, kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa ospital.
Selos umano ang motibo sa nangyaring insidente.
Kakasuhan ng Frustrated Pariccide ang suspek.

Facebook Comments

From Advertisers