Misis sinampal ng kaldero ni mister, mukha namaga

9

Kalibo, Aklan – Kulong ang isang mister matapos na hinampas ng kalder ang mukha ng kayang misis kagabi sa Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan. Ang biktima ay isang 36-anyos habang ang mister nito ay 40-anyos at pawang mga residente ng nasabing lugar. Sa report ng WCPD ng Kalibo PNP, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na kagabi ay nakipag-inuman ang mister sa kanyang mga barkada sa kanilang bahay at ng ito’y matapos at nagsipag-uwian na ang kasama nito ay merong pagtatalo na nangyari sa dalawa. Dahil dito ay kinuha ng mister ang kalderong may laman pang kanin at inihampas sa mukha ng kanyang misis na naging dahilan ng pamamaga nito. Agad na nag sumbong sa mga pulis ang misis at inaresto si mister saka ikinulong sa Kalibo PNP. Sa ngayon ay hinihintay pa ang pasya ng misis kung kakasuhan ang kanyang mister.

Facebook Comments