Misis, Timbog sa Buybust, Pamangkin, Kinasuhan!

*Santiago City- *Huli ang isang misis sa pagbebenta ng illegal na droga habang kinasuhan naman ng obstruction of justice ang pamangkin nito sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad sa David St. Gideon Ville, Baluarte, Santiago City.

Nahuli ang suspek na si Angel Cruz, 34-anyos, may-asawa habang ang pamangkin nito ay nakilalang si Angelico Bravo, 20-anyos, binata, technician at kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, narekober sa pag-iingat ni Cruz ang isang pakete ng pinaniwalaang shabu at limang daang piso (P500.00) bilang marked money na ginamit ng nagpanggap na pulis na bibili ng nasabing droga.


Kaugnay nito, habang inaaresto si Cruz ay pumagitna si Bravo upang pigilan na dalhin sa himpilan ng pulisya ang kanyang tiyahin kung kaya’t hinuli din ito.

Si Cruz ay agad na sinampahan ng kasong may kinalaman sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang si Bravo ay sinampahan naman ng kasong Obstruction of Justice.

Facebook Comments