Misis, Tinadtad ng Saksak ang Sariling Mister- Patay!

8388

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang mister matapos itong pagsasaksakin ng mismong asawa sa Brgy. 4, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Rolly Bautista, 42 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Bagong Sikat, San Mateo, Isabela.


Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), kusang sumuko sa mga rumespondeng pulis ang suspek na asawa nito na si Lea Bautista, 42 anyos, matapos ang pagpatay sa kanyang mister.

Pasado alas 6:00 kagabi nang mangyari ang krimen sa loob ng kanilang bahay matapos na sila’y magkaroon ng matinding alitan.

Isinugod pa sa ospital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring insidente.

Facebook Comments

From Advertisers