Manila, Philippines – Lumabas sa pagdinig ng senate committee on public services na may isyu sa prangkisa ng Mislatel consortium na posibleng makadiskaril sa inaasahang operasyon nito bilang ikatlong telco.
Sa hearing ay inamin ni Mislatel President at CEO Nicanor Escalante na noong kunin nila ang 70 percent share sa Mislatel ay pinayuhan silang kanilang abogado na huwag nang humingi ng congressional approval.
Pero giit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, isang paglabag sa prangkisa ang hindi pagpapaalam ng Mislatel sa kongreso sa naging pagbabago sa kontrol ng kumpanya na naunang binigyang ng prangkisa.
Paliwanag ni Drilon, kailangan pa kasing i-review ng kongreso ang kapasidad at kredibilidad ng mga kumukuha ng prangkisa.
Dagdag pa ni Drilon, hindi rin nag-operate ang Mislatel sa loob ng isang taon simula ng mabigyan ng legislative franchise noong 1998 kaya otomatikong revoked na ang prangkisa nito.