Mislatel, dumipensa sa akusasyon na luto ang pagpili dito bilang 3rd telco

Manila, Philippines – Sa pagdinig ng senate committe on public services ay iginiit ni Senator Antonio Trillanes IV na kaya napili ang Mislatel consortium bilang 3rd telco ay dahil kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte at dating Special Assistant to the President Bong Go ang negosyante si Dennis Uy.

Si Uy ang Chief Executive Officer ng Udenna Corporation na kasamang bumubuo sa Mislatel, bukod sa Chelsea Logistics Holdings Corporations at China Telecom.

Napaamin din ni Trillane si Uy na nagbigay ng 30-million pesos sa kampanya ni Pangulong Duterte.


Sa hearing ay ibinunyag ni Trillanes na pati ang misis ni Uy at iba pang ospiyal ng Chelsea Corporation ay nagambay din sa kampanya ni Pangulong Duterte.

Sa pagtatanong ni Trillanes ay kinumpirma din ni Uy na noong panahon ng pagpili sa ikatlong telco ay nakasama nya sa isang private jet ang mga miyembro ng oversight committee katulad nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Sec, Carlos Dominguez, at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Diin ni Trillanes, malinaw na conflict of intrest, graft o direct bribery na nangyari sa proseso ng pagpili sa ikatlong telco.

Depensa naman ni Uy, dumaan sila sa butas ng karayon dahil dumaan sila sa mahaba at tamang proseso bago napiling 3rd telco.

Giit ni Uy, walang nalabag na alinmang batas sa naging pagpili ng national telecommunications commission on NTC sa Mislatel.

Diin ni Uy, malinis ang kanilang pangalan, at kahit sakripisyo ang pagpasok sa telco industry ay ginawa nila ito para makatulong na makapagbigay ng mabilis, mas mura at secure na serbisyo.

Nangako din si Uy na gagawin ang lahat para maprotektahan ang intrest at seguridad ng pilipinas.

Facebook Comments