Mislatel, matatanggap ang permit to operate sa July 8

Matatanggap na ng ikatlong telecom player na Mislatel Consortium ang mga kakailanganing dokumento para makapag-umpisa na ang kanilang operasyon.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) acting Secretary Eliseo Rio – igagawad na sa Mislatel ang kanilang Certificate of Public Convenience and Necessity sa July 8.

Ang Mislatel ay opisyal na idineklarang bilang ‘bagong major player’ ng National Telecommunications Commission (NTC) noong Nobyembre ng nakaraang taon, matapos makapag-commit ng nationwide coverage na 84.01% at minimum speed na 55 megabits per second (MBPS).


Umaasa ang DICT na makakapagtatag na ang Mislatel ng sarili nitong signal sa Nobyembre.

Facebook Comments