MISLATEL, nag roll out na ng Cybersecurity Plan

Isinumite na ng negosyanteng si Dennis Uy ang kanilang cybersecurity plan bilang pangatlong telco player sa bansa.

Ito ang inihayag ni Department of Information and Communications Technology acting Sec. Eliseo Rio matapos humarap sa pagdinig sa Senado ang Mislatel.

Ginawa ng Mislatel ang pag roll-out ng cyber security plan sa harap ng pag-ungkat ni Sen. Grace Poe sa isyu ng cybersecurity .


Ayon kay Rio, umaasa sila na makakapag deliver ang Mislatel sa commitment nito na walang mangyayaring cyber security breaches sa panahon ng kanilang operasyon na maaring magkokompromiso sa national security o soberenya ng bansa.

Sinabi pa ni Rio na kukumpiskahin ng gobyerno ang P25.7 billion na performance bond ng Mislatel at posibleng bawiin ang kanilang frequencies, sa sandaling hindi makapag deliver.

Sa pagdinig sa Senado, nauna nang sinabi ni Sen. Miguel Zubiri na wala siyang nakikitang national security risk sa paggamit ng Mislatel sa teknolohiya ng Huawei, isang Chinese multinational telco.

Dapat na lamang aniyang ipaubaya sa mga consumer kung magsu-subscribe sila sa serbisyo ng Mislatel o hindi.

Facebook Comments