Mislatel, posibleng maging fully operational sa March 2020

Posibleng maging operational sa March 2020 ang Mislatel, ang ikatlong telecom player sa bansa.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio Jr. – dapat makakuha sila ang Mislatel ng approval sa Kongreso upang ang kanilang kumpanya ay maipasok sa Consortium.

Ang Consortium naman aniya ay dapat maaprubahan ng Securities and Exchange Commission (SEC).


Kailangan din nila maglagak ng 25.7 billion pesos na performance bond.

Ang Mislatel ay na i-cover ang 37% ng buong populasyon sa unang taon ng populasyon.

Papalo rin sa 27-megabytes per second ang paunang internet speed nila, mas mataas sa kasalukuyang speed ng Smart at Globe.

Sa susunod na limang taon, kaya na nitong makipagsabayan sa internet speed ng bansang Singapore.

Kapag pumalya ang Mislatel sa ipinangako nito, hindi na ibabalik ng gobyerno ang inilagak nitong performance bond.

Facebook Comments