Nakiisa ang mga reigning beauties ng Miss Earth Phillippines 2018 sa selebrasyon ngayong araw ng 10th International Plastic bag Free day.
Bitbit ang mga bayong, nag ikot sa Farmer’s market sa QC sina Miss Air Philippines 2018 Zahra Bianca Saldua at Miss Wayer Philippines 2018 Berjayneth Chee.
Bahagi ito ng kampanya maka kalikasang grupo na EcoWaste coalition na itaas ang kamalayan ng mga consumers at vendors sa hindi paggamit ng single use plastic sa pamamalengke.
Ayon sa grupo, nasa 5.3 trillion na ang naiipong basura sa karagatan at mga lawa dahil sa walang habas na pagtatapon ng mga single use plastic.
Maliban sa polusyon sa karagatan, banta sa kalusugan ang pagsusunog ng mga SUPs sa mga disposal facilities.
Panawagan ng Ecowaste coalition, dapat nang iwaksi ng publiko ang paggamit ng plastic bags sa halip ay gumamit ng bayong at recyclable materials sa pamamalengke.
Isusulong din ng grupo sa 18th Congress na magpatibay ng batas na tuluyang magbabawal sa paggamit ng plastic bag bilang food containers at sa pagpakete ng mga food products.