Miss Eco Teen International 2020 title, nasungkit ng pambato ng Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon!

Nasungkit sa kauna-unahang pagkakataon ng pambato ng Pilipinas na si Roberta Ann “Ro-An” Tamondong ang korona sa Miss Eco Teen International 2020.

Tinalo ng 18-year-old beauty queen mula sa Laguna ang 34 na kandidata sa katatapos lamang na grand coronation night na ginanap kahapon sa Hurghada City sa Egypt.

Pinabilib ni Ro-An ang mga hurado matapos siyang mag-standout sa question-and-answer round sa sagot na maaaring gamitin ang social media para ipabatid sa publiko ang tunay na nangyayari sa ating kapaligiran.


Bukod sa korona, nakuha rin niya ang Best in National Costume.

Nabatid na halos isang linggo lang ang naging preparasyon ni Ro-An sa pagsali sa Miss Eco Teen International bago siya lumipad ng Egypt noong November 25.

Facebook Comments