Miss General Santos City Mariel Joyce Pascua, ibinahagi ang kaniyang experience sa pagsali sa Miss Universe Philippines 2020

55

“Super saya”

Ito ang ibinahaging karanasan ni Miss General Santos City Mariel Joyce Pascua matapos ang pagsali niya sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2020.


Sa interview ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) ng RMN Manila, sinabi ni Mariel na malaking ambag ito sa buhay niya dahil kabilang siya sa kauna-unahang edition ng Miss Universe Philippines 2020 at marami siyang naging kaibigan na itinuring na niyang pamilya.

Aniya, kahit hindi niya nasungkit ang korona ay masasabing panalo na siya dahil sa samahan na nabuo kasama ang ibang kandidata.

Dagdag pa ni Mariel, sobrang nakakataba ng puso sa mga nagsasabi na kahit hindi siya nanalo ay mananatiling panalo pa rin siya sa mga puso nila.

Say pa niya, ang pagsali sa pageant ngayong may pandemya ay nakakapagod pero masaya dahil naging role model sila at naghatid ng inspirasyon sa bawat Pilipino.




Samantala, sinabi rin ni Mariel na deserved ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang nasungkit na title dahil saksi siya kung paano pinaghirapan ni Rabiya ang korona at suportado siya sa laban ng kanyang kaibigan sa darating na Miss Universe Pageant.

Facebook Comments