Miss International 2005 Precious Lara Quigaman, buntis sa third baby nila ng aktor na si Marco Alcaraz

Inanunsyo ng celebrity couple na sina Miss International 2005 Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz ang pagkakaroon nila ng ikatlong anak.

Sa unang episode ng kanilang family vlog na in-upload kahapon sa youtube, sinabi ng mag-asawa na 18 weeks o limang buwan ng buntis si Lara at nakatakda siyang manganak sa September.

Say ni Lara, kahit ang dami-daming nangyayari sa paligid natin ngayon, may mga bagay pa rin na dapat ipagpasalamat sa Diyos tulad ng blessing na natanggap ng kanilang pamilya.


Kasabay nito, nanawagan naman si Marco na isama sila sa kanilang mga dasal lalo na’t hindi nakakapunta sa hospital si Lara upang magpacheck-up dahil sa COVID-19 situation.

Facebook Comments