Miss Philippines Michelle Dee, maipagmamalaki pa rin ng mga Pilipino

Bagama’t hindi hinirang na Miss Universe 2023 ay umani pa rin ng papuri mula kina Senior Party-list Representative Rodolfo Ompong Ordanes at BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co ang ating pambato na si Miss Philippines Michelle Dee.

Para kay Ordanes, nagpakita ng kumpyansa, husay, magagandang katangian at nangibabaw si Dee sa kompetisyon subalit nagkataon lang na may ibang qualities na hinahanap ang mga hurado.

Diin naman ni Congresswoman Co, nakakabighani at nagniningnging ang bawat galaw, expression at galing ni Dee bukod sa ipinamalas nitong matinding determinasyon na magwagi.


Bunsod nito, ay binigyang-diin nina Ordanes at Co na karapat-dapat pa ring ipagmalaki ng mga Pilipino si Dee kaya deserve nito ang mainit na pagsalubong sa kanyang pag-uwi sa bansa.

Si Dee ay pumasok sa top 10 finalist, habang kinoronahan naman bilang Miss Universe si Miss Nicaragua.

Facebook Comments