Miss Summer Capital 2018 Candidates, Rumampa Na!

417

Baguio, Philippines – Nagpakitang gilas ang dalawam’put walong kandidata na kalahok sa Miss Summer Capital 2018 sa Holiday Inn Ballroom Hall noong Huwebes, Agosto 6, 2018 .

Sinimulan ang programa ng isang fashion show na disenyo ng mga designers na sina Mr. Karu Villananueva, Ms.Camille Quinto, Mr. Kristoffer Tabili, Mr. Andrew Visaya Jr. at Ms. Ces Flores. Pagkatapos, isa-isang nagpakita ng hubog ng katawan ang mga kandidata para sa Swimsuit Wear. Mula one-piece hanggang bikini ang isinuot ng 28 na kandidata na siyang nagpasigla ng mga mga dumalo sa programa. Tumahimik naman ang mga manonood ng sumunod ang Evening Gown. Ibat-ibang uri ng gown ang ginamit ng mga kandidata at ilan sa mga ito ay Mermaid Dress, Backless dress, Sequin dress at marami pang iba. Muling nabighani ang mga panauhin sapagkat bago matapos ang programa ibinahagi ng bawat kandidata ang kani kanilang mga talento sa madla. May kumanta, sumayaw, tumugtog ng instrumento, puminta, atbp.

Tara idol, panoorin natin ang Grand Coronation Night sa September 16, 2018. Mag sisismula alas siyete ng gabi sa Holiday Inn Baguio City Centre (Bag-iw , Ballroom).









Facebook Comments