MISS U 2018 | Catriona Gray, ipinakita sa buong mundo ang mga katangian ng isang tunay na Pilipina

Nagpaabot ng malugod na pagbati ang Palasyo ng Malacañang kay 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ipinakita ni Gray ang tunay na katangian ng mga Pilipina na mayroong kagandahan, kumpiyansa, katalinuhan at katatagan sa harap ng mga pagsubok.

Ipinakita din niya nito sa buong mundo na kaya ng mga Pilipina na gawing totoo at makamit ang kanilang mga panaginip at pangarap sa pamamagitan ng pagsisikap at determinasyon.


Sinabi pa ni Panelo na sa pagkapanalo ni Gray sa Miss Universe ay itinaas nito ang pagtitiwala at kumpiyansa ng mga Pilipina sa kanilang mga sarili at ipaglaban ang kanilang karapatan at dahil aniya dito ay isang saludo ang kanilang ibinibigay kay Gray.

Dagdag pa ni Panelo, ang pagkapanalo ni Gray sa Miss Universe ay naglagay na naman ng tatak para sa Pilipinas sa larangan ng kagandahan at elegance na kumakatawan sa maraming magagandang isla ng Pilipinas.

Facebook Comments