MISS U 2018 | Miss Universe Demi Leig Nel-Peters, binigyan ng payo ang mga kandidata

Ilang araw bago ang coronation night nagbigay ng payo si Miss Universe Demi Leigh Nel-Peters para sa mga kandidatang susubok na masungkit ang Miss Universe crown ngayong taon.

Sa isang panayam sinabi ng 23-year old beauty queen na dapat na lalong magsumikap ang mga kandidata para maipakita kung gaano nila kagusto manalo.

Pero pinaalalahanan din niya ang mga kandidata na mamahinga at mag-relax matapos ang national costume competition.


Sa Lunes, December 17 nakatakdang ipasa ni Nel-Peters ang titulo sa coronation night na idaraos sa Bangkok, Thailand.

Inamin naman ng beauty queen na isang “bittersweet feeling” ang pagpapasa ng korona lalo at once in a lifetime year lang niya ito makukuha.

Samantala, nasa Thailand na ang pamilya ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Catriona Gray.

Umapela naman ng positive feedback at dasal ng mga fans ang team Catriona dahil dito raw siya humuhugot ng lakas para sa coronation night.

Facebook Comments