Miss Universe 2017 – kumpirmadong gaganapin sa Las Vegas

Las Vegas – Kumpirmado nang sa Las Vegas gaganapin ang 66th edition ng Miss Universe ngayong taon.

Ito ang inanunsyo ng Miss Universe Organization sa pamamagitan ng kanilang official website at social media accounts.

Gaganapin ito sa The Axis at Planet Hollywood Resort & Casino sa November 26, 2017 alas 7:00 hanggang alas 10:00 ng gabi.


At sa ikatlong pagkakataon, magbabalik ang kontrobersyal na si Steve Harvey bilang host ng Miss Universe.

Susubukan naman ng pambato ng Pilipinas na si Filipino-British beauty queen Rachel Peters na makuha ang korona kay reigning Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France.

Facebook Comments