MISS UNIVERSE 2018 | Catriona Gray, ipinaliwanag ang kanyang sagot tungkol sa paggamit ng marijuana

Nanindigan si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang posisyon ukol sa paggamit ng marijuana.

Matatandaan sa ginanap sa coronation night kahapon, tinanong si Gray kung sang-ayon ba ito sa pagsasalegal ng marijuana.

Sagot ni Gray – pabor siya sa medical marijuana pero hindi maaring gamitin ito bilang ‘recreational’.


Giit ni Catriona – ibinase niya ang kanyang sagot sa ilang mga pag-aaral na maaring gamitin para sa medisina ang marijuana.

Pero sinabi niya na kailangan pa nito ng masusing pananaliksik.

Naniniwala naman ang Malacañang na ang sagot ni Catriona ukol sa medical marijuana ay posibleng impluwensya na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo – ang pananaw ni Gray ay kaparehas sa Pangulo na kahit ipinatutupad ang giyera kontra ilegal na droga ay pinag-iisipan pa rin ang paggamit ng marijuana sa panggagamot.

Bago ito, inihayag ni Pangulong Duterte na minsan ay gumagamit ito ng marijuana para manatiling gising.

Facebook Comments