MISS UNIVERSE 2018 | Catriona Gray, nagkwento tungkol sa kanyang patok na "lava walk"

Kahit paborito ng marami, aminado si Miss Universe 2018 Catriona Gray na nagduda rin siya na maiuuwi ang korona sa grand coronation sa Bangkok, Thailand kahapon.

Kwento ng 24-year old Filipino-Australian beauty queen – mahuhusay ang kanyang mga nakalaban sa top 3 na sina Miss South Africa at Miss Venezuela kaya hindi siya makampante na mananalo siya.

Samantala, inamin din ni Gray na sadya niyang pinag-aralan ang tactic na slow-mo turn sa swimsuit category.


Marami pa rin kasi ang nagtatanong sa kanya kasunod ng pagiging patok ng kanyang “lava walk” noong preliminary competition pa lang.

Sabi ni Gray, nabuo nila ng kanyang mentor na si Carlos Buendia Jr. ang “lava walk” dahil sa pag-iisip ng kakaibang “signature moves”.

ibinunyag naman ni 2016 miss grand international first runner-up Nichole Cordovez na nahirapan si Gray sa slow-mo twirl nito lalo’t mayroon pala siyang scoliosis.

Facebook Comments