MISS UNIVERSE 2018 | Catriona Gray, sasabak sa iba’t-ibang aktibidad ngayong araw

Manila, Philippines – Ilang aktibidad muna ang gagawin sa bansa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray bago lumipad patungong New York City ngayong araw.

Nakatakdang dumalo si Catriona sa isang charity event bago magsagawa ng Press Conference alas-9 ng umaga.

Bilang isang beauty queen, kabilang ang pagtulong sa mga mahihirap sa bansa sa mga advocacy ni Catriona.


Pasado alas-3 kahapon nang dumating sa bansa si Catriona kung saan nagbigay ito ng maisking mensahe sa mga Filipino ngayong Pasko.

Ayon sa ilang opisyal ng Miss Universe organizing committee, hindi pa ito ang official homecoming ni Catriona.

Anila, sa January 7, 2019 pa magsisimula ang official engagement bilang Miss Universe ni Catriona.

Facebook Comments