Miss Universe Canada organization, nag-sorry na sa dalawang Filipino fashion designer

49

Humingi na ng paumanhin ang Miss Universe Canada (MUC) organization sa Filipino fashion designers na sina Michael Cinco at Rian Fernandez.

Ito ay matapos maglabas ng sama ng loob sina Cinco at Fernandez sa social media laban sa MUC kaugnay sa masamang karanasan nila noon sa patimpalak.


Kahapon, May 25, naglabas na ng official statement ang MUC sa pamamagitan ng kanilang Instagram account kung saan malinaw na sinagot ang himutok ni Rian na sa kabila ng pagod at gastos sa paggawa ng damit ay hindi isinuot ng previous candidates ang kanyang mga gawa.

Nasa reigning Miss Universe Canada candidate raw kasi ang desisyon kung ano ang isusuot niyang damit, depende sa kagustuhan nito.

Pero sa kabila ng paghingi ng paumanhin ng MUC, makikita pa rin sa Instagram post ang pagtatanggol nito sa kanilang organisasyon kaugnay ng pangyayari.

Sa pagtatapos ng pahayag, sinabi ng MUC na ipagpapatuloy nito ang kanilang legacy na sinimulan labing-walong (18) taon na ang nakalilipas.



Facebook Comments